Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs Genevieve E. Velicaria-Guevarra, at DA Agribusiness and Marketing Assistance Service Director Junibert E. De Sagun ang pag-iikot sa mga pampublikong palengke para sa implementasyon ng P50 kada kilo na price cap para sa 5% broken imported rice sa buong bansa bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas para sa mamamayan.

 

Isinagawa ang nasabing monitoring sa San Nicolas Public Market, Angeles City, Pampanga noong ika-19 ng Mayo 2026, kasama ang mga opisyal mula sa Department of Trade and Industry Acting Division Chief Patrick Mendoza, DA RFO III Agribusiness, Marketing, and Assistance Division Chief Carmencita S. Nogoy, Philippine National Police Deputy Chief of Police P/Capt. Benjamin S. Laboreta, Deputy  Admin of San Nicolas Public Market Reynaldo Pineda Sr., at City Agriculture Office staff Almano Q. Dalusong.

 

Ang naturang price cap ay magiging epektibo sa loob ng 30 araw at maaaring palawigin, baguhin, o alisin depende sa magiging resulta ng pagsusuri at monitoring ng mga kinauukulang ahensya.

 

Ang implementasyon ng price cap ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG),Bureau of Customs, Philippine Competition Commission (PCC), at Philippine National Police (PNP).

 

Layunin ng koordinadong hakbang na ito ng pamahalaan na maprotektahan ang mga mamimili laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ng bigas, at mapanatili ang kaayusan at katatagan ng suplay at presyo sa merkado.

 

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong