Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon (DA–RFO III) sa sektor ng agrikultura, isinagawa noong ika-23 ng Enero, ang pamamahagi ng Interventions Monitoring Cards (IMC) sa mga nasa mahigit na 700 na magsasaka mula sa Bayan ng San Jose at Lungsod ng Tarlac, sa ilalim ng DA–Rice Program. Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Tarlac City Hall, Lungsod ng Tarlac.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyang-daan ang pagpapadali ng pagbibigay ng assistance para sa mga magsasaka gamit ang e-wallet o IMC.
Ang mga Interventions Monitoring Card (IMC) ay nagsisilbing digital na kasangkapan sa pamamahagi at pagmomonitor ng iba’t ibang tulong at interbensiyon ng pamahalaan para sa mga magsasaka at iba pang sektor ng agrikultura.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Development Bank of the Philippines (DBP) at Universal Storefront Services Corporation (USSC), matagumpay na naisakatuparan ng Kagawaran ang layuning ito bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng mga programa at serbisyong inihahatid sa publiko
Ang mga kwalipikadong benepisyaryo na tatanggap ng Intervention Monitoring Card (IMC) ay ang mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Sa pamamagitan ng IMC, maaaring makinabang ang mga magsasaka sa iba’t ibang uri ng tulong tulad ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) na ipinagkakaloob ng Kagawaran ng Pagsasaka.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong







