Kababayang Katutubo sa Tarlac, sinanay sa makabagong teknohiya at nakatanggap ng mga tulong mula sa DA
Isinagawa ang isang Technology Training for High Value Crops and Poultry o Livestock Production nitong ika-22 ng Setyembre sa Barangay Sta. Juliana, Capas, Tarlac.
Naging matagumpay ang aktibidad na ito sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon katuwang ang National Commission on Indigenous Peoples at lokal na pamahalaan kung saan nasa 45 ang lumahok mula sa Pagmimiha ng mga Ayta ng Sta. Juliana Incorporated.
Sa ilalim ng proyektong Kabuhayan at Kaunlaran para sa Kababayang Katutubo o 4Ks, nabuo ang proyekto upang bigyang halaga ang ating mga katutubong Pilipino na mapalago ang kanilang mga sakop na lupain gamit ang makabagong teknolohiya at dagdag kaalaman sa pagsasaka.