Ngayong buwan ng Mayo ay ipinagdiriwang ang Farmer’s and Fisherfolk Month bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga magsasaka at mangingisda sa pag-unlad ng bansa.

‎Sa ginanap na Opening Program noong ika-4 ng Mayo ay tampok ang temang “Pagbibigay-pugay para sa Magsasaka’t Mangingisda sa Gitna ng Hamon at Krisis,” na sumasalamin sa kanilang katatagan at dedikasyon ng mga magsasaka’t mangingisda ng bansa sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kanilang kinakaharap.

‎Pinangunahan ang programa sa pamamagitan ng opening remarks ni Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., at sinundan ng Rationale ng natural selebrasyon mula sa Field Operations Division Chief Elma S. Mananes.

‎Naging makulay at makabuluhan ang daloy ng programa sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal tulad ng intermission number mula sa DA Chorale, pati na rin ang pagkilala sa mga Young Farmer’s Challenge National Winners na sina John Carlo Abedoza at Robin T. Samson.

‎Tampok din ang parada kung saan ang iba’t ibang dibisyon ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nagsuot ng kasuotang hango sa mga magsasaka at mangingisda.

‎Ang mga nagwagi:
‎1st Place: Integrated Laboratories Division (ILD)
‎2nd Place: Agribusiness, Marketing and Assistance Division (AMAD)
‎3rd Place: Administrative and Finance Division (AFD)

‎Nagtapos ang programa sa closing remarks ni Regional Technical Director for Operations, Extension and Agribusiness, Marketing and Assistance Division Dr. Arthur D. Dayrit.

 

#BagongPilipinas
‎#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong