Matagumpay na nakilahok ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon (DA-RFO III), sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), sa paglulunsad ng KADIWA ng Pangulo na may tamang β€œPamaskong Handog sa Manggagawa” noong Disyembre 1, 2025, sa Mangan Tamu, R.C. Santos Street, Clark Freeport Zone, Pampanga.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Clark Development Corporation (CDC), katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga. Layunin ng nasabing aktibidad na maghatid ng abot-kayang produktong agrikultural sa mga manggagawa at mamimili habang nagbibigay ng direktang akses sa pamilihan para sa mga magsasaka at lokal na prodyuser.

Kabilang sa pangunahing layunin ng aktibidad ang pagpapalakas ng market linkage sa pagitan ng mga magsasaka, agripreneur, at konsyumer, pag-aalok ng de-kalidad at abot-kayang produktong agrikultural, pagsuporta sa pambansang programang KADIWA, at pagtatampok ng mga natatanging produkto mula sa iba’t ibang lalawigan ng Gitnang Luzon.

Labing-anim na exhibitors mula sa Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija ang lumahok sa selling event, kung saan tampok ang sariwang gulay, prutas, bigas, processed foods, at iba pang lokal na produkto. Tampok rin sa KADIWA ng Pangulo ang β€œP20 Benteng Bigas Meron Na!” na pangunahing proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagbigay sa minimum wage earners at vulnerable sectors ng akses sa murang bigas bilang bahagi ng mga programa ng pamahalaan para sa low-income households.

Umabot sa β‚±150,170.00 ang kabuuang benta ng 16 na exhibitors, na nagpapakita ng aktibong pakikilahok ng publiko at patuloy na pagtangkilik sa KADIWA program.

Kasabay ng nasabing aktibidad ang isang Turnover Ceremony ng Tissue Culture Laboratory sa pagitan ng Clark Development Corporation (CDC) at DA. Isang pasilidad naglalayong makatutulong upang higit na masuportahan ang sektor ng agrikultura, partikular ang mga magsasaka at palawakin ang kapasidad ng ahensya sa pananaliksik para sa mas mataas na kalidad at masustansiyang suplay ng mga punla sa rehiyon.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong