Kalihim ng DA, Dr. William D. Dar ang pagpapasinaya sa KADIWA ni ANI at KITA outlet sa Milka Krem Ground ng Philippine Carabao Center (DA-PCC)
Pinangunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) Dr. William D. Dar ang pagpapasinaya sa KADIWA ni ANI at KITA outlet sa Milka Krem Ground ng Philippine Carabao Center (DA-PCC), Science City of Muñoz, Nueva Ecija nitong ika-3 ng Setyembre.
Ang KADIWA ni ANI at KITA ay tinutulungan ang mga magsasaka na madala ang kanilang mga produkto sa merkado at malaking pakinabang din sa mga mamimili dahil mabibili ito ng sariwa at mura. Magbubukas ang KADIWA tuwing Biyernes ng 8:00 AM – 5:00 PM. Ilan sa mga makikitang produkto dito ay ang mga aning gulay at prutas, processed foods at iba’t-ibang dairy products ng mga Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) ng Nueva Ecija.
Kasunod nito, pinangunahan din ng Kalihim ang 22nd Advisory Board meeting ng PCC na naganap sa Castillo-Eusebio Hall PCC National Headquarters and Gene Pool.
Napag-usapan sa board meeting ang profile ng Carabao Industry sa taong 2020; National Dairy Herd Improvement; Carabao Roadmap Milestone mula 2022 hanggang 2026; ang PL480 o ang Intensified Community-based Dairy Enterprise Development; ang pakikipagtulungan sa mga academic partners para sa Applied Biotechnology sa mga Livestock Enterprises; at ang Mandanas-Garcia Ruling.
Maliban dito, pinasinayaan din ang National Livestock Cryobank na itinayo upang palakasin ang kakayahan ng DA-PCC upang isulong ang pagsasaliksik para sa pag-unlad sa ex-citu cyroconservation para sa animal genetic conservation na humahantong sa napapanatiling sistema ng produksyon sa hayop.