Nagsasagawa ngayong araw ang Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Research Division ng 2023 Technology Forum na may temang “DA-Research sa Gitnang Luzon, Kaagapay sa Pag-ahon sa Nababagong Panahon” sa CLIARC Lowland Development Zone, Brgy. Paraiso, Tarlac City, Tarlac.
Ang techno-forum ay may layuning makapagbahagi sa mga kasosyong mananaliksik, Agricultural Extension Workers at mga magsasaka ng Gitnang Luzon ng mga bagong teknolohiya na napatunayang angkop sa klima at pamamaraan sa rehiyon.
Naanyayahan din sa aktibidad ang DA Bureau of Agricultural Research; DA Agricultural Training Institute – Regional Training Center 3; at mga State Universities and Colleges.