Isinagawa ang Best Vegetables and Fruits Bouquet noong ika-13 ng Abril 2026 sa DA Covered Court bilang bahagi ng Department of Agriculture High Value Crops Development Program sa pagdiriwang ng HVC Week 2026 na may temang “Future-Proofing High Value Crops Diversity: Gearing Towards Agro-Industrialization and Bio-Economy.” Nilahukan ito ng mga grupo mula sa iba’t ibang Division Offices.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang malikhaing paggamit ng sariwang gulay at prutas sa pamamagitan ng pagbuo ng makukulay at makabuluhang bouquet na nagpapakita ng kahalagahan ng high value crops sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
Sa pamamagitan ng patimpalak, nabigyang-diin ang pagpapahalaga sa sari-saring high value crops at ang papel nito sa pagsusulong ng agro-industrialization at bio-economy. Hindi lamang ito naging paligsahan ng pagkamalikhain kundi nagsilbi ring plataporma upang palakasin ang kamalayan sa nutrisyon, inobasyon, at suporta sa lokal na produksyon ng agrikultura.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong





