Matagumpay ang Isinasagawang ika-limang (5th) Annual Field Day ng Research Station for Lahar-laden Development (RSLL) ng Kagawaran ng Pagsasaka Gitnang Luzon na may temang β€œFrom Lahar to Life: Reviving Lands and Empowering Farmers through Agri-Innovation” sa Brgy. Rabanes, San Marcelino, Zambales nitong ika-27 ng Nobyembre.

Layunin ng field day na maipakita ng istasyon ang mga nabuo nilang teknolohiya sa pagsasakang matutulungan ang mga magsasakang ang lupa ay natabunan ng lahar noong panahon na pumutok ang Mt. Pinatubo.

Ibinahagi ng istasyon ang kanilang mga matagumpay na pananaliksik sa paghahayupan, organikong pagsasaka, pagtatanim ng legumbre at mga tamang pamamahala sa pagtatanim ng gulay.

Sa mensahe ng panauhing tagapagsalaysay na si G. Onesimo Romano na Chairperson ng Regional Agricultural and Fishery Council ng Gitnang Luzon, ibinahagi nito ang naging pagsisikap ng pamahalaan upang maitayo ang istasyon at matulungan ang mga kababayan niyang magsasaka na hirap sa pagtatanim dulot ng lahar.

Nagpagalingan din sa pagluluto ng pinakbet ang mga kalahok na magsasaka sa Cooking Contest at mga pinagmamalaking mga produkto sa Product Booth Competition.

COOKING CONTEST:

1st Place: Makabasa Farmers’ Association

2nd Palce: Matiques Farmers’ Association

3rd Place: Buwahen Farmers’ Association

4th Place: Lupon ng Magsasaka

PRODUCT BOOTH CONTEST:

1st Place: Makabasa Farmers’ Association

2nd Palce: Matiques Farmers’ Association

3rd Place: Buwahen Farmers’ Association

4th Place: Lupon ng Magsasaka

Sa hapon, isang seremonya ng paglalagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Kagawaran ng Pagsasaka at KOICA (Korea International Cooperation Agency) para sa proyektong pagpapaunlad ng agribusiness na nakabatay sa komunidad upang mapabuti ang kabuhayan at kita ng mga magsasakang nasa laylayan sa Gitnang Luzon.

Nagbahagi din ng maikling pagbibigay impormasyon sa kabuuan ng training module sa gagawing proyekto mula sa pagpili ng binhi hanggang pag-aani ng palay.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong