Pinangunahan ng High Value Crops Development Program o HVCDP ang Lowland Vegetable and Legumes Stakeholders Meeting na itinakda noong ika-26 ng Hunyo, 2024 sa DA RFO III Training Room, Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Mabusising tinalakay at pinag-usapan sa pagpupulong ang hingil sa industriya ng lowland vegetables and legumes sa Gitnang Luzon sa pangunguna ni HVCDP Focal Person, Engr. AB P. David.

Nabigyang linaw din ang kalagayan ng produksyon at pagtatanim ng mga lowland vegetables tulad ng ampalaya, talong, kalabasa, sitaw, kamatis, pati na rin ang mga legumes tulad ng mani at monggo sa Gitnang Luzon.

Sa kanyang mensahe binigyang diin ni RTD for Operations, Extension and AMAD, Dr. Arthur D. Dayrit na bigyang pansin ang iba’t ibang parte ng agricultural value chain tulad ng produksyon, pagproseso, post harvest at iba pa. Nais din niyang masolusyonan ang problema sa sobra sobrang produksyon ng gulay na binibili ng mas baba kaysa sa nararapat na presyo.

Dinaluhan ng mga iba’t ibang probinsya sa Gitnang Luzon ang nasabing pagpupulong tulad ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac.

Narito ang talaan ng mga probinsya at mga nag-ulat:

Aurora – Nelita K. Abordo

(Provincial HVCDP Coordinator)

Bataan – Elizer P. Liggayu

(Provincial HCVDP Report Officer)

Bulacan – Judith U. Mateo

(Provincial HCVDP Report Officer)

Nueva Ecija – Marlon G. Aleman Jr.

(Provincial HCVDP Report Officer)

Pampanga – Engr. Jomar P. Gomez

(Provincial HCVDP Report Officer)

Tarlac – Michell B. Baino

(Provincial HVCDP Coordinator)

Kabilang sa napag-usapan sa pagpupulong ang sitwasyon ng industriya ng Lowland Vegetable and Legumes, Integrated Pest Management, mga Approved Research, Gap Certification at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Narito ang talaan ng mga paksa at mga nag- ulat:

Lowland Vegetable and Legumes Industry Situationer – Glarissa B. Balbarez (Vegetable and Alternate Staple Food Focal Person)

Approved Research for Lowland Vegetable and Legumes – Jerome M. Gumangan (Science Research Specialist II, Research Division)

Integrated Pest Management on Lowland Vegetable and Legumes – Rosalyn V. Fulgencio (Senior Research Specialist I, RCPC)

Good Agricultural Practices (GAP) Certification for Lowland Vegetable and Legumes – Christian M. Canlas

(Agriculturist I, Regulatory Division)

PCIC Updates for Lowland Vegetables and Legumes – Eduardo M. Manalili, Jr (Insurance Underwriter, PCIC)

Bilang pagsuporta nagbigay ng mensahe si Regional Executive Director, Eduardo L. Lapuz, Jr. na nagpapa-abot ng kahalagan ng mga magsasaka upang makapagbuo ng proyekto at programa para sa ika-uunlad ng agrikultura sa bansa.

Sa pagtatapos ng pagpupulong nag iwan ng taos-pusong mensahe si Chief, Field Operations Division, Elma S. Mananes na pinaparating na mabigat din ang naka-atang sa mga magsasaka ng Central Luzon dahil hindi lamang Gitnang Luzon ang kanilang pinapakain pati narin ang Metro Manila. Kaya’t huwag magsasawa ang mga magsasaka sa isinasagawang produksyon ng mga gulay, hayop o livestocks at legumes. Sa kabila ng mataas na benta sa Metro Manila, ipinapa-abot din nito na huwag sanang isasantabi/pabayaan ang bentahan ng gulay at livestocks sa Gitnang Luzon.

Samantala nanatili parin sa pangunguna ang Gitnang Luzon sa produksyon ng palay at sibuyas.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong