Magsasakang mula Carranglan, nakatanggap ng mga binhi
Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon katuwang ang Municipal Agriculture Office ng Carranglan, Nueva Ecija ang pamamahagi ng libreng certified seeds at hybrid seeds para sa Wet Season 2021 sa mga magsasaka na sinimulan noong buwan ng Mayo.
Sa kasalukuyan, nasa humigit kumulang na 3,180 sako ng binhi na ang natanggap ng mga magsasaka sa lugar.
Layunin ng proyekto na mapataas ang kalidad, maparami ang suplay ng palay at magkaroon ng masaganang ani at mataas na kita ang mga magsasakang Pilipino.
Tinatayang nasa 4,975 ektarya ang kabuuang target na makatatanggap mula sa proyekto ng National Rice Program at Rice Competitiveness Enhancement Fund sa munisipyo.