Nakatanggap ng tulong-pinansyal ang kabuuang 3,199 na magsasaka sa isinagawang Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) noong Mayo 8, 2026 sa Jose V. Yap Covered Court, Victoria, Tarlac.

 

Ito ay pinangunahan ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon.

 

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng halagang ₱2,325 bilang ayuda mula sa pamahalaan upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at mapalakas ang kanilang kabuhayan sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga rehistradong magsasaka at mangingisda sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

 

Sakop ng programa ang mga magsasakang nagtatanim ng palay na may sinasakang hindi lalagpas sa dalawang ektarya, mga magsasaka ng mais at tubo, at mga mangingisdang rehistrado sa RSBSA-BoatR.

 

Layunin ng programa na maiparating ang agarang tulong sa mga sektor na may mahalagang papel sa seguridad ng pagkain sa bansa.

 

Patuloy din umanong nagsasagawa ng mga programa at inisyatiba ang ahensya upang masuportahan ang kapakanan at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Gitnang Luzon.

 

Samantala, nagpapatuloy rin ang pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon upang mas marami pang benepisyaryong magsasaka at mangingisda ang maabot ng programa ng pamahalaan.

 

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong