Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) at Korean International Cooperation Agency (KOICA) ang isang pagpupulong ukol sa Development of Community-Based Agribusiness to Improve the Livelihood and Income of Marginal Farmers in Central Luzon, ngayon araw ikaw-5 ng Marso, sa DA RFO 3 Training Room, DMGC, Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.
Layunin ng pagpupulong na taasan ang kabuuang taunang kita ng mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng 20% mula sa lahat ng mga kalakal pagkatapos ng pagpapatupad ng proyekto.
Uumpisahan ang naturang proyekto ngayong taon na inaasahang matatapos sa 2029, kung saan ang gagamiting pondo ay magmumula sa panig ng KOICA na nagkakahalaga ng mahigit sa 6-milyon USD, habang nasa 600,000 USD naman ang ilalaan ng DA.
Gayundin, gagamitin ang magiging pondo sa pagbili ng mga kagamitan at materyales sa pagbuo nito tulad ng incubation center, rice mill, agricultural inputs, at iba pa.
Kabilang sa mga ahensiyang nakibahagi sa pagpupulong para maisakatuparan ang programa ay ang Provincial Agriculture Office of Tarlac, Provincial Agriculture Office of Zambales, Municipal Agriculture Office of Sta. Ignacia, Tarlac, at Municipal Agriculture Office of San Marcelino, Zambales.
Kaugnay nito, ang target na lugar ng isasagawang aktibidad ay sa Barangay Buhawen at Sta. Fe, San Marcelino, Zambales, Barangay Macaguing at Sta. Ines Centro, Sta. Ignacia, Tarlac.
Samantala, kabilang naman sa mga opisyales na dumalo rito sina Regional Technical Director for Research, Regulation, and Integrated Laboratories Dr. Irene M. Adion, Project Leader of DA RFO III Josephine J. Muñoz, , KOICA Philippines Country Director Kim Eunsub, Korean Experts Team Leader Choi Jihiyeon, mayor ng San Marcelino, Zambales Elmer R. Soria, Sta. Ignacia, Tarlac Vice Mayor Nathaniel Bong L. Tan, Municipal Engineering Office of Sta. Ignacia, Tarlac sa pangunguna ni Engr. Mark Adrian B. Agustine, Provincial Agriculturist of Zambales Cris Rabaca at Chief ng Field Operations Elma Mananes.