#MarketFacilitation || Isang pagpupulong ang kasalukuyang isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Zaragoza, Nueva Ecija kasama ang Batitang Agriculture Cooperative ngayong araw, ika-29 ng Mayo sa Brgy. Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija.

Ito’y alinsunod sa walang tigil na pakikipag-ugnayan ng Kagawaran sa mga magsasaka pagdating ng anihan upang patuloy na matulungan ang mga ito sa pagmamarket ng kanilang mga ani partikular na ang kalabasa.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon