Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang Meeting with Provincial and Municipal Counterparts and Attached Agencies for the Convergence of Cluster Establishment in Region 3, noong ika-21 hanggang ika-22 ng Setyembre, sa Subic Bay Travelers Hotel, Subic, Zambales.

Ang programang ito ay layuning ipalaganap ang kaalaman ukol sa Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) sa pangunguna ng Focal Person ng DA RFO 3 Rice Banner Program Dr. Lowell Rebillaco.

Naglalayon ang MRIDP na mailunsad ang mga interbensiyon at inobasiyon sa pagpapalay na makatutulong sa pagkakaroon ng mas mataas na ani at mas sustenableng pagkain ang bansa habang tinitiyak ang kapakanan ng bawat magsasakang Pilipino.

Sa panimula ng programa ay tinalakay ni Dr. Rebillaco ang nilalaman ng MRIDP kung saan ipinaliwanag niya na sa pamamagitan nito ay layunin nitong makamit ang mas mataas na antas ng pambansang kasapatan ng bigas sa pamamagitan ng pagtaas ng produktibidad ng ani kada ektarya at malawakang paggamit ng mga moderno at mekanikal na teknolohiya sa pagsasaka.

Dumalo rin sa nasabing programa ang DA RFO 3 Focal Person ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Alvin M. David upang talakayin at ibahagi naman ang updates ukol sa RSBSA Crossmatching.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa rin dito ang isang workshop kaugnay ng identification of target clusters RSBSA crossmatching na nilahukan naman ng mga Municipal at Provincial Agricultural Officers.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon