Matagumpay na pagtatapos ng Mentoring and Attracting Youth in Agriculture (MAYA) ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA)
Matagumpay ang pagtatapos ng 16 na interns sa Mentoring and Attracting Youth in Agriculture (MAYA) ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon nitong unang araw ng Hulyo na ginanap sa DA Central Luzon Integrated Agricultural Research Center (CLIARC) for Lowland Development Zone, Paraiso, Tarlac City, Tarlac.
Para sa mga interns, malaking oportunidad at naitulong sa kanila ng MAYA program dahil natuto sila sa maraming technical aspects, hands-on training at mga karanasan sa mababaon nila sa kanilang pagpasok sa agribusiness o maging isa sa mga kawani ng gobyernong magsisilbi sa bayan.
Dumalo sa pagtatapos ng mga interns ang Hepe ng Research Division na si Dr. Irene Adion at MAYA Coordinator, Rosemarie Joson na nagbigay suporta at naghikayat na kanilang ituloy ang adhikaing makapagtayo ng negosyong pang-agrikultura.