Nakilahok ang mga empleyado ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon o DA RFO 3 sa isang pagsasanay ukol sa Meat Processing and Proper Meat Handling na pinangunahan ng Gender and Development Focal Point System at Livestock Banner Program, noong ika-1 ng Marso, sa DA RFO 3 Training Room, DMGC, Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

Sa pagsasanay, itinuro ang mga proseso kung paano gumawa ng burger patty, chicken tocino, at skinless. Ipinakita rin ang mga hakbang mula sa paghahanda ng mga sangkap, wastong paggamit ng mga kagamitan, at ang tamang packaging ng mga ito.

Upang maging mas produktibo ang mga kalahok, hinati ang mga ito sa tatlong grupo upang masubukan ang paggawa ng nasabing mga produkto. Naging masigla ang pakikiisa ng bawat isa sa pagsasagawa ng mga produktong ito.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong taon bilang pakikiisa ng DA RFO 3.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon