Mga Mag-aaral ng SOA-SRA ng Aurora, nagsimula na sa pagsusulit
Isinagawa ng mga mag-aaral na magsasaka ng Aurora ang kauna-unahang pagsagot ng pagsusulit kaugnay sa Palay-Aralan sa Himpapawid o School-on-the-Air in Smart Rice Agriculture (SOA-SRA) nitong ika-siyam ng Agosto.
Ang SOA-SRA ay ang programang naging tugon upang patuloy na makapagbigay ng kaalaman at pagsasanay sa mga magsasaka ng Aurora kahit may nararanasang banta sa kaligtasan sa kalusugan. Sa pamamagitan ng radyo, naging ligtas ang pagbibigay serbisyo para sa mga magsasaka ng nasabing probinsya.
Dagdag pa nito, ang nasabing programa ay pinangunahan ng ATI Central Luzon katuwang ang Department of Agriculture – Regional Field Office III (DARFO3), Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), Aurora State College of Technology – ASCOT (ASCOT), Philippine Information Agency (PIA), Office of Provincial Agriculture (OPA) at mga Municipal Agriculture Office (MAO) ng Aurora.
Tinatayang tatlong libong (3000) magsasaka sa buong Aurora ang kabilang sa SOA-SRA na naglalayong mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka sa nasabing lalawigan.