Mga Natatanging Gulayan sa Barangay ng Gitnang Luzon, pinarangalan.
Pinarangalan ang mga natatanging gulayan sa barangay sa naganap na Provincial and Regional Awarding of Best Gulayan sa Barangay noong ika-18 ng Nobyembre sa Lubao, Pampanga.
Ang nasabing pagpaparangal ay dinaluhan nina Undersecretary for High Value Crops and Rural Credit Evelyn G. LaviƱa; Regional Executive Director Crispulo G. Bautista, Jr.; Regional Technical Director for Operation & Extension and Agribusiness and Marketing Assistance Service Division Eduardo L. Lapuz; Regional Technical Director for Research, Regulatory, and Integrated Laboratories Arthur D. Dayrit; mga Agricultural Provincial Coordinating Officer (APCO) ng bawat lalawigan ng Gitnang Luzon; at ang mga nominadong natatanging gulayan sa Barangay ng bawat Lalawigan ng Gitnang Luzon.
Nasungkit ang 3rd Best Gulayan sa Barangay ng lalawigan ng Bulacan. Samantalang nasa 2nd Best Placer naman ang lalawigan ng Aurora at ang Lalawigan ng Nueva Ecija naman ang nakapagkamit ng 1st Best Gulayan sa Barangay na kung saan sila ang kakatawan sa National Level na Best Gulayan sa buong Pilipinas.
Maliban sa tatlong Best Gulayan sa Barangay, nagkamit din ang ibang lalawigan ng ilang special awards tulad ng Best in Gulayan sa Barangay Crop Museum, Seedbank, Household Replications, Garden Innovations, Recycled Material, Audio Visual Presentation, Storage, Scrapbook, Nursery, Community Pantry at Value-Added Products.
Masusing pinili ang mga nagwagi ng Regional High Value Crops Development Program sa pangunguna ni Regional High Value Crops Development Coordinator Engr. AB Pangilinan-David.
Sa kabila ng pagtatapos ng pagpaparangal, tinitiyak ng mga barangay sa Gitnang Luzon na patuloy na mapapangalagaan ang mga Gulayan sa Barangay upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at ang problemang kinahaharap sa global warming.