Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO III), sa pamamagitan ng Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED), ang CY 2026 1st Semester Assessment/Review of the Physical and Financial Accomplishment of DA Programs and Projects noong ika-8- hanggang ika-9 ng Hulyo sa Angeles City, Pampanga.

Dinaluhan ang dalawang araw na aktibidad ng mga opisyal ng ahensya, division chiefs, section at unit heads, banner program coordinators, project focal persons, at iba pang kinatawan ng iba’t ibang tanggapan at programa ng DA-RFO III.

Layunin ng assessment na suriin ang naging pisikal at pinansyal na pagganap ng mga programa, proyekto, at gawain ng ahensya sa unang semestre ng taon batay sa mga itinakdang target at commitment sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) at Budget Execution Documents (BED).

Nagsilbi rin itong pagkakataon upang matukoy ang mga hamon sa implementasyon at makapaglatag ng mga kinakailangang hakbang upang matugunan ang mga ito sa mga susunod na buwan.

Sa isinagawang presentasyon, iniulat ng mga banner program, locally funded projects, divisions, research outreach stations, at iba pang tanggapan ang kanilang mga physical at financial accomplishments para sa unang semestre ng 2026. Kabilang sa mga tinalakay ang mga target at aktuwal na nagawa, obligasyon at disbursement ng pondo, gayundin ang mga salik na nakaapekto sa pagtamo ng mga itinakdang layunin.

Tinalakay rin sa aktibidad ang mga pangunahing isyu at hamon na naranasan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto. Binigyang-diin ng mga kalahok ang pangangailangang palakasin ang koordinasyon, pagmomonitor, at agarang pagtugon sa mga balakid upang mapanatili ang maayos na pagpapatupad ng mga serbisyo at interbensyon para sa sektor ng agrikultura.

Nagsilbi ring venue ang assessment para sa pagbabalangkas ng mga rekomendasyon, catch-up plans, at iba pang hakbang upang mapabilis ang implementasyon ng mga natitirang gawain at matiyak ang pagkamit ng mga target para sa natitirang bahagi ng CY 2026.

 

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong