Sa inisyatibo ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at Korea Agriculture Machinery Industry Cooperative (KAMICO Philippines) katuwang ang FITCOREA Trading Phils Inc., Landbank of the Philippines at Nueva Ecija Seed Grower Multipurpose Cooperative ay nagsagawa ng Farm Mechanization Roadshow na may temang “Progressive Agriculture through Efficient Mechanization for Sustainable Food and Happy Farming” nitong ika-28-29 ng Marso sa Brgy. Maligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Ginawa ang roadshow upang maipamalas ang kakayahan ng iba’t-ibang makinaryang ginagamit sa palayan; maisulong ang modernisadong pagsasaka; mapadali ang mga gawain sa bukid ng magsasaka; at magkamit ng masaganang ani at mataas na kita.
Dinaluhan ng nasabing aktibidad ng DA National Consultant Dr. Andrew Villacorta; PhilMech Director Dr. Dionisio G. Alvindia, DA Regional Rice Program Coordinator Lowell Rebillaco; Presidente ng KAMICO Philippines na si Philip Kim; at NESGA President Ariel Dolores.Kasabay nito, nagsagawa ng ribbon cutting at groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng dalawang palapag na gusali ng Nueva Ecija Seed Grower Multipurpose Cooperative. .