Sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka Gitnang Luzon ay matagumpay na naisagawa ang 5-Day FY 2027 Planning and Budget Workshop ang National Livestock Program kasama ang mga Regional Program Coordinators nito sa Hacienda Gracia Resort, Lubao, Pampanga nitong ika-23 hanggang ika-27 ng Pebrero.

Ang layunin ng workshop ay para makabuo ng malinaw—maayos na plano, tamang pondo, at mas epektibong programa para sa susunod na taon upang makatulong sa mga livestock stakeholders nitong mapaangat ang kanilang mga kabuhayan.

Dinaluhan ang workshop nina Program Director ng National Livestock Program Dr. Claro N. Mingala; OIC-Regional Executive Director Arthur D. Dayrit, Ph.D.; Regional Technical Director ng Gitnang Luzon Dr. Irene M. Adion; Operation Division Chief Elma Mananes; at mga Regional Livestock Coordinators ng Kagawan.

Sa mensahe ni Regional Technical Director Irene Adion, binanggit nito na ang hamon sa limang araw na workshop ay makabuo ng mga plano, ng maayos na budgeting katulong ang konsultasyon sa mga kliyente para maisagawa ang mga gawain o proyektong makatutugon sa problemang kinakaharap ng mga kliyente.

’’Because at the end of the day—our performance will be measured by how we satisfy our clients’’, sambit ni Dr. Adion.

Nagbigay naman ng mga pahayag si Program Director ng National Livestock Program, Dr. Claro N. Mingala sa pangangailangan na maitugma ang taunang mga proposals ng programa sa pinakalayunin ng Kagawaran na magkaroon ng seguridad sa pagkain.

Sa una at ikalawang araw ng workshop ay ibinahagi ang mga pisikal at pinansyal na pagganap at mga obserbasyon sa isinagawang monitoring at evaluation para sa nakaraang 2025. Isinalaysay din ang mga direktiba at paghahandang dapat isa-alang-alang sa pagpaplano at pagpopondo sa FY2027 bilang paghahanda sa workshop.

Kada rehiyon naman ay iprinesenta sa ikatlo hanggang ikaapat na araw ang kanilang mga Plan and Budget Proposals.

Nagkaroon din ng maikling pagpupulong ukol sa pagbuo ng Organizational Structure bilang bahagi ng paghahanda sa implementasyon ng Animal Industry Development and Competitiveness Act o Republic Act 12308.

Ang batas na ito ay upang isulong ang industriya ng paghahayupan sa pamamagitan ng matatag na mga institusyong pang-regulasyon at pang-kaunlaran, sapat na pondo at suporta sa produksyon lalo na para sa maliliit na magsasaka at prodyuser, maayos at makabuluhang mga batas at regulasyon, epektibong koordinasyon at pakikipagtulungan sa mga stakeholder, at mapagkakatiwalaang pamantayan at mga hakbang para sa kaligtasan at kalidad ng mga produktong mula sa hayop.

Sa huling araw ng aktibidad ay nagsagawa ng Field Tour sa R.O. Valerio Dairy Farm na isang outstanding small ruminant farmer mula sa Bacolor, Pampanga.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong