Nueva Ecija – Nagsagawa ng Harvest Festival at Hybrid Rice Derby ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon nitong ika-14 ng Marso taong 2022.

Dinaluhan ang nasabing harvest festival nila Central Luzon Seed Growers Federation Head Mr. Ariel B. Dolores ng Nueva Ecija Seed Growers; Leonardo “Amang” Guintu and Morris Padierno ng South Nueva Ecija Seed Growers MPC; Sol Gonzales of ACFASGRO MPC, Bernardo Calilung of TAPSGRO at mga magsasaka ng Nueva Ecija.

Ang nasabing pagdalo ay upang masaksihan ang mga inaning Inbred NSIC RC 222 at SL8.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na isulong sa mga magsasaka ang iba’t ibang pamamahala at gawi at mas maigting ang kahalagahan ng paggamit ng hybrid rice seeds sa pagkamit ng mas mataas na dami ng produksyon.

#OneDA

#DACentralLuzon