Isang Farmer Stakeholder Meeting ang ginanap kasama ang 4 na farmers association na nagtatanim ng Tanduyong mula sa Bayan ng San Jose City. Ang aktibidad na eto ay dinaluhan ng DA-Research Division 3, DA-Regulatory GAP 3, Local Government Unit of San Jose City, at Nueva Ecija Office of Provicial Agriculturist with Onion Shallot/Multiplier Consultant sa Brgy. Sinipit Bubon, San Jose City, Nueva Ecija noong ika-1 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ang aktibidad na ito ay naglalayon na magkaroon ng sapat na kaalaman at pagkaisahain o pagbuklurin ang ating mga Onion Shallot/Multiplier farmer sa Region 3 upang mapasok ang international market.
Sa aktibidad rin na ito ay pinagusapan ang mga suliranin na kinakaharap ng ating mga onion Shallot/Multiplier farmers tulad ng mga sumusunod:
a. Mababang presyo sa Merkado at madalas walang buyer;
b. Tumataas na gastusin sa pag-tatanduyong;
c. Wala ng napagkukuhanang magandang binhi ng Sibuyas Tagalog;
d. Mga insekto at fungal na sakit sa sibuyas; at iba pang
e. Participatory Rural Appraisal Results na nakuha sa piling lugar sa Nueva Ecija.
Kasunod ng San Jose City, ang bayan ng Bongabon, Talavera, Science City of Muñoz at Sto. Domingo ang isusunod ng Regional Allium RDE Team upang mapalakas at mabuhay muli ang Industriya ng pag-tatanduyong sa Central Luzon.