Kasalukuyang isinasagawa mula ika-26 hanggang ika-29 ng Mayo 2026 sa Ayala Malls Harbor Point, Subic Bay Freeport Zone, Zambales ang Organic Product Exhibit sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon (DA RFO III) sa pamamagitan ng Organic Agriculture Program. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolks Month na may temang “Pagbibigay-pugay sa mga Magsasaka at Mangingisda sa Gitna ng mga Hamon at Krisis.”

Nilahukan ang nasabing exhibit ng iba’t ibang organisasyon ng mga organic farmer mula sa rehiyon ng Gitnang Luzon, kabilang ang Tarlac Organic Producers Association Inc. (TOP PGS), QD Pampanga, Full of Grace Organic Agriculture Producers Inc. (FOGOAPI), Aeta Farmers and Vendors Association of Iram (AFVAI), Samahang Pinagpalang Komunidad sa Olongapo Inc. (SPIKOI), CocoBee Cooperative, National Empowerment and Development Exchange (NEDEX), Coco Deli, at iba pang samahan ng mga magsasaka mula sa lalawigan ng Zambales.

Layunin ng aktibidad na maipakita at maipakilala sa publiko ang mga de-kalidad na produktong organiko ng mga lokal na magsasaka, mapalawak ang kanilang merkado, at mahikayat ang mas maraming mamimili na tangkilikin ang mga produktong ligtas, masustansiya, at makakalikasan.

Kasabay ng pagdiriwang, nagsagawa rin ng talakayan ang Department of Agriculture, Pamahalaang Lungsod ng Olongapo, at pamunuan ng Ayala Malls Harbor Point hinggil sa posibilidad na gawing regular na aktibidad ang pagsasagawa ng Organic Products Exhibit sa nasabing pasilidad.

#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong