Sa pagsisimula ng taong 2026, matagumpay na naisagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon (DA–RFO III), sa pangunguna ng Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED), ang Oryentasyon para sa FY 2026 National Expenditure Program habang hinihintya ang publikasyon ng GAA para sa taong 2026 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong January 5, 2025 katuwang ang bagong talagang Auditor ng Kagawaran na si Rosario I. Dequiña, noong ika-6 ng Enero 2025.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa DA Training Room, DMGC, Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Layunin ng gawain na ito na mabigyan ng imspormasyon at wastong kaalaman ang bagong talagang auditor ng para maihanda at mapag-ugnay ang mga programa at proyekto ng Kagawaran batay sa mga nakalaang pondo sa bawat banner at locally-funded program, at iba pang mga programa upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga interbensyon, programa, at proyekto para sa sektor ng agrikultura sa taong 2026.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPAgsulong









