Itinatampok at mabibili ngayong ika-19 ng Enero ang P20 Rice Project na may temang “Benteng Bigas, Meron Na!” (BBM Rice)  sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Gitnang Luzon (DA RFO III) sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), bilang bahagi ng Regular Kadiwa Pop-up Store.

Ang nasabing BBM Rice ay maaaring mabili ng vulnerable sector kabilang ang mga senior citizens, 4Ps, PWDs at solo parents na maaring makabili ng hanggang 10 kilo kada benepesyaryo.

Bukod sa P20 Rice, tampok din sa nasabing Kadiwa Pop-up Store ang iba’t ibang produktong agrikultura mula sa mga magsasaka ng Gitnang Luzon, kabilang ang sariwang prutas, gulay, at iba pang ani na direktang inaalok ng mga lumahok na magsasaka at kooperatiba.

Layunin ng Kadiwa Pop-up Store na magbigay ng direktang ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka, mangingisda, at mga mamimili upang matiyak ang mas mura, abot-kaya, at de-kalidad na produktong agrikultura para sa publiko.

Ang Regular Kadiwa Pop-up Store ay bukas tuwing Lunes at matatagpuan sa DA-RFO III Covered Court at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III, kung saan makikita ang sariwa at abot-kayang mga produktong direktang nagmumula sa mga magsasaka at kooperatiba ng Gitnang Luzon.

Hinihikayat ng Kagawaran ang publiko na patuloy na suportahan ang lokal na produksyon at patronahin ang mga produktong Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad ng Kadiwa.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong