Opisyal nang inilunsad ang paghahanda para sa nalalapit na Pyestang Camaru 2026 sa pamamagitan ng isang press conference na ginanap sa Amver Place, Brgy. Ayala nitong Hulyo 23, 2026.

Binuksan ni Magalang Mayor Maria Lourdes P. Lacson ang kaganapan sa pamamagitan ng pag-imbita sa lahat na patuloy na ipakita at ipagmalaki ang mayaman at masiglang pamana ng bayan. Pagkatapos nito ay ipinakilala ni Municipal Tourism Officer Ryan M. Miranda ang mga kasapi ng Executive Committee na mamamahala sa pagdiriwang.

Isa sa mga dumalo bilang tagapagsalita si Dr. Arthur D. Dayrit, Regional Technical Director for Operations and Extension ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang matatag na pagkakaisa ng mga MagaleƱo at ang mahahalagang kaganapan sa pagdiriwang. Isa na rito ang pagkakaroon ng pormal na kasunduan o Memorandum of Agreement (MOA) upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa mga talakayan ukol sa agrikultura, pagbabago ng klima, at napapanatiling turismo.

Sa pormal na lagdaan ng kasunduan ng mga institutional partners ay opisyal na nakiisa ang Department of Agriculture RFO III kasama ang Department of Tourism Region 3, Pampanga State Agricultural University (PSAU), University of Santo Tomas (UST) Graduate School-CCCPET, at PSAU College of Business, Economics and Entrepreneurship upang tiyakin ang tagumpay ng Pyestang Camaru 2026.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong

