Pagkilala kay Juana sa Panahon ng Pandemya, tampok sa DA-RFO 3 GAD
Maria Aurora, Aurora – Nagtungo ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa pangunguna ng Gender and Development Focal Point System o GAD FPS sa lalawigan ng Aurora upang magsagawa ng field validation nitong ika-3 hanggang 5 ng Agosto.
Ito ay naglalayong mabigyan ng pagkilala ang mga natatanging kababaihang nagsilbing inspirasyon sa pamamagitan ng Search of Outstanding Women in the Field of Agriculture and Fisheries sa iba’t ibang probinsiya ng ikatlong rehiyon.
Nasa limang kategorya ang paglalabanan ng bawat kinatawan ng mga probinsiya tulad ng Outstanding Rural Women, Outstanding Women Educator, Outstanding Women Entrepreneur, Outstanding Young Farmers at Outstanding GAD Focal Person Provincial Local Government Unit level.
Matatandaang ang unang bahagi o ang scrapbook evaluation ay isinagawa noong ika-17 at ika-22 ng Hulyo sa pangunguna ni Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr. katuwang sina GAD Focal Person Dr. Irene Adion at GAD Alternate Focal Person Dr. Evelyn Fernando.