Matagumpay na naisagawa ang 2024 Gulayan sa Barangay Provincial and Regional Awarding Ceremony nitong ika-21 ng Nobyembre sa Royce Hotel, Clark Free Port Zone, Mabalacat City, Pampanga ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa pangunguna ng High Value Crops Development Program (HVCDP).
Layunin ng taunang patimpalak na ito na kilalanin at bigyang pagkilala ang mga natatanging Gulayan sa Barangay Implementers at i-highlight ang kahalagahan ng pagkakaroon ng programa sa pagtataguyod ng sustainable agricultural practices sa buong Gitnang Luzon. Layunin rin ng programang ito na hikayatin ang mga indibidwal, at komunidad na ipatupad ang mga aktibidad gaya ng community gardening upang makamtan ang mataas na produksyon tungo sa katiyakan sa pagkain.
Ngayong taong 2024 ay mayroong 38 na Barangay sa Gitnang Luzon ang nakilahok at nakinabang sa GSB Program at nakatanggap ng mga interbensyon gaya ng mga buto ng gulay at kagamitan sa pagtatanim na kanilang magagamit sa pag papaganda ng kanilang gulayan sa barangay.
Sa nasabing patimpalak ay nagwagi ang Brgy. Calantipay, Baliwag City, Bulacan sa pagkamit ng pinakamataas na parangal at itinanghal bilang Best Gulayan sa Barangay 2024 na nakapag-uwi ng 380,000 Pesos na kanilang magagamit para sa patuloy na pagpapalago at pagpapaganda sa kanilang gulayan.
Sinundan naman ito ng Brgy. Mucdol, Dipaculao, Aurora, na siyang nakapagkamit ng 2nd place at nakatanggap ng 200,000 Pesos, habang ang Brgy. Imelda Valley, Palayan City, Nueva Ecija ay nakapagkamit ng 3rd Place at nakapag-uwi ng 100,000 Pesos.
Dagdag pa rito, kinilala rin ang iba’t ibang barangay na nakapagkamit ng mga espesyal na parangal at nakatanggap ng 5,000 Pesos cash maliban sa facebook favorite award na kinonsidera bilang isang minor award
• Facebook Favorite – Brgy. Imelda Valley, Palayan City, Nueva Ecija
• Best Crop Museum – Brgy. Mucdol, Dipaculao, Aurora
• Best Innovations with Recycled Materials – Brgy. Calantipay, Baliwag City, Bulacan
• Best in Household Replications – Brgy. Tuyo, Balanga City, Bataan
• Best Scrapbook – Brgy. San Isidro, Botolan, Zambales
• Best Seed Bank – Brgy. San Miguel, Lubao, Pampanga
• Best Storage – Brgy. Calantipay, Baliwag City, Bulacan
• Best Gulayan sa Barangay Advocate – Brgy. Calantipay, Baliwag City, Bulacan
• Best Nursery – Brgy. Imelda Valley, Palayan City, Nueva Ecija
• Kumikitang Gulayan sa Barangay – Brgy. Calantipay, Baliwag City, Bulacan
• Best Audio-Visual Presentation – Brgy. Rang-Ayan, Paniqui, Tarlac
• Best Kapitan – Hon. Cecilia T. Tolentino – Brgy. Calantipay, Baliwag City, Bulacan
• Best Mayor – Hon. Mayor Ferdinand V. Estrella – Brgy. Calantipay, Baliwag City, Bulacan
Itinampok rin sa naturang kaganapan ang paggawad ng 2024 High-Value Crops Achievers’ Awards (HVCAA), at kinilala bilang Top 10 Outsanding Agricultural Extension Workers (AEWs) para sa kanilang natatanging serbisyo at pangganap sa pagsulong ng HVCDP. Ang bawat isa sakanila ay nakatanggap ng 20,000 Pesos.
Ang mga nanalo:
• Ms. Judith U. Mateo
• Mr. Manuel B. Amatorio
• Ms. Nelita K. Abordo
• Mr. Raymart C. Santiago
• Mr. Marlon B. Pascua
• Ms. Salvacion N. Gaspar
• Ms. Daisylyn G. Villasfer
• Mr. Christian Allen A. Ventura
• Ms. Angelica C. Buena
• Ms. Marry Rose D. Bautista
Ang mga nagwagi sa Best Gulayan ngayong taon ay masusing sinuri ng mga lupon ng mga regional evaluators: Planning, Monitoring, and Evaluation Division Chief Noli Sambo, Regional Agriculture nad Fisheries Information Chief Ozanne Ono Allas, Field Operation Division Chief Elma S. Mananes, Regional High Value Crops Development Program Focal Person Engr. AB P. David, Field Operation Division Supervising Agriculturist Lowell D. Rebillaco, Ph.D, PMED Project Evaluation Officer IV Alvin M. David, PMED Planning Officer III Lordelyn S Dela Cruz, Regional GSB Focal Person Christine Joy Corpuz, Regional Agriculture and Fisheries Council Chairperson Onesimo O. Romano, CSO Representative Rafael L. Pagaling, CSO Representative Luis D. Bausa, CSO Representative Dr. Leonilo Dela Cruz, Municipal Agriculturist Chairperson Orlando S. Ramos, HVCDP Agriculturist II Glarissa B. Balbarez, HVCDP Agriculturist I Jocelle C. Espanto, Information Officer I Gerald E. Tongol, FOD Agriculturist II Engr. Arwen D. Lacanilao, at Administrative Assistant I Dexter Draizen P. Dumol.
Kabilang sa mga dumalo ay sina DA RFO III Regional Executive Director Eduardo L. Lapuz Jr., DVM, Regional Technical Director for Operation Arthur D. Dayrit, Ph.D., at Assistant Secretary for High Value Crops, Sagip Saka, Intellectual Property and Deputy Spokesperson ng DA na si Atty. Joycel R. Panlilio bilang Panauhing Pandangal.