Sa inisyatiba ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) na maging sertipikado sa International Organization for Standardization o ISO 9001:2015 Quality Management System, isang pagpupulong at pagsasanay kaugnay nito ang pinangasiwaan ng kagawaran, sa pangunguna ng Planning, Monitoring, & Evaluation Division (PMED) sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources III Conference Room, noong ika-6 hanggang ika-7 ng Marso.

Target din ng dalawang araw na pagpupulong na ito na magbigay ng epektibo at malinaw na pamamahala, at ihanay ang istruktura at proseso ng DA RFO 3 upang mapagsilbihan nang mas mahusay ang mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Dito, masusing binusisi at sinuri ni ISO Specialist Auggielyn Carandang, na tumayo bilang consultant o kasangguni, ang mga Procedural and Work Instruction Manuals (PAWIMs) ng bawat tanggapan ng kagawaran na nagbahagi sa pulong.

Kabilang sa mga nagpresenta ng kani-kanilang mga procedural manuals ang Research for Development Division, Regulatory Division- Registration and Licensing Section, Agribusiness and Marketing Assistance Division, PMED- Information, Communication & Technology Unit, at Regional Agriculture and Fisheries Information Section.

Samantala, bibigyan naman ng hanggang ika-20 ng Marso na palugit ang bawat yunit o dibisyon para mas maisaayos pa ang kanilang mga PAWIMs, batay sa suhestiyon at komento ng naging kasangguni at iba pang mga dumalo sa pulong.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon