Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas at pagsasaayos ng mga estratehikong programa sa sektor ng agrikultura, matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO III) ang pag-update sa Public Investment Program (PIP) at Three-Year Rolling Infrastructure Program (TRIP) mula ika-16 hanggang ika-18 ng Hunyo, 2026, na ginanap sa Brgy. San Agustin, City of San Fernando, Pampanga.
Naging tampok ang mga presentasyon ukol sa Regional Development Plan (RDP) 2023–2028 at Regional Development Investment Program (RDIP), na ibinahagi ni Senior Economic Development Specialist mula sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Maria Andrea N. Gueco.
Nagbigay rin ng mahahalagang gabay ang DA Central Office – Planning and Monitoring Service (PMS) kaugnay ng pagbuo ng Investment Program ng DA bilang paghahanda sa FY 2028 Plan and Budget Proposal.
Samantala, upang mas mapalawak ang suporta sa mga maliliit na negosyo, tinalakay naman ni Regional Director ng Department of Trade and Industry (DTI) Edna D. Dizon ang mga oportunidad sa pamumuhunan para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa sektor ng agrikultura sa Rehiyon III. Sinundan ito ng paglalahad sa Regional Agriculture and Fisheries Investment Portfolio (RAFIP) Central Luzon ni Ma. Lourdes M. Maglanque mula sa PRDP-IPLAN.
Nagtapos ang unang araw sa pamamagitan ng pag-consolidate ng mga input para sa FY 2027 PIP Updating Workshop at pagtalakay sa mekanismo ng mga hahatiing grupo sa pangangasiwa ni Lordelyn S. Dela Cruz, PO III ng Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED).
Dumalo rin sa pagpupulong sina Regional Executive Director Eduardo L. Lapuz Jr., Regional Technical Director for Operations Arthur D. Dayrit, PhD, OIC- Regional Technical Director for Research and Regulations Elma S. Mananes, Planning Monitoring and Evaluation Division (PMED) Chief Noli Sambo at PMED Assistant Chief Alvin David.


