Isinagawa kahapon, ika-16 ng Abril, ang pagsusuri o pag-audit ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) sa ilalim ng Livestock Banner Program.

Sinimulan ito sa isang pagpupulong o opening meeting na ginanap sa Department of Agriculture (DA) Conference Room, Diosdado Macapagal Government Center, Barangay Maimpis, City of San Fernando, Pampanga.

Layunin ng pulong na talakayin ang mga plano para sa pagsasagawa ng audit, ipresenta ang audit plan, at makakuha ng mga komento at suhestiyon ukol sa kabuuang framework ng pagsusuri.

Ang aktibidad ay pinamunuan ni Internal Audit Service Director RADM Ernesto Enriquez (RET) kasama sina DA Regional Field Office 3 Regional Technical Director for Operations Dr. Arthur Dayrit at Agricultural Training Institute – Central Luzon Center Director Dr. Joey Belarmino.

Ang INSPIRE program ay may dalawang component, ang sentinelling protocol at clustering and consolidation.

Dito ay namahagi ang DA ng mga baboy sa mga backyard raisers, nagtayo ng mga pasilidad, nagkaloob ng tulong pinansiyal, at nagbigay din ng mga feeds sa mga napiling Farmers Cooperatives and Associations.

Ang nasabing audit engagement ay mahalagang hakbang upang matiyak ang tamang paggamit at pagpapatupad ng INSPIRE program sa layuning mapalakas ang sektor ng agrikultura sa rehiyon.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

#BagongPilipinas