Pagsasanay patungkol sa business plan, isinagawa para sa mga magsasaka’t mangingisda
Lungsod ng San Fernando, Pampanga – Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa pamamagitan ng Gender and Development Focal Point System ng isang pagsasanay patungkol sa paggawa ng business plan nitong ika-21 hanggang 23 ng Setyembre.
Layunin ng aktibidad na mas mapalawak, mapalinang at madagdagan ang mga kakayahan at kaalaman ng mga magsasaka at mangingisda sa larangan ng pagnenegosyo.
Katuwang ang Agricultural Credit Policy Council Training Management, naging matagumpay ang ikalawang batch ng naging pagsasanay na kung saan nasa 90 ang lumahok.
Ang mga naging tagapagsalita ay sina Project Development Officer II Ms. Ana Isabel Valenton, Project Development Officer II Ms. Lindsay Mae Medrano, Project Development Officer II Ms. Melanie Geolagon, Project Development Officer II Ms. Genny Mikelle Catog, Project Development Officer II Ms. Athena Mei Vital at Information Technology Officer I Ms. Filipinas Gerardo.
Matatandaang ang unang batch ay isinagawa nitong nakaraang buwan ng Agosto.