Isinagawa ang Training-Workshop on the Utilization of Modernized PhilGEPS (Philippine Government Electronic Procurement System ) o mPhilGEPS noong ika-26 hanggang 27 ng Pebrero sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga na pinangunahan ng Bids and Awards Committee ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA) para sa Gitnang Luzon. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng komite at mga empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan ng ahensya.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa paggamit ng mPhilGEPS na ginagamit ng pamahalaan sa proseso ng procurement.

Kabilang sa mga tinalakay ang overview ng sistema, paghahanda ng Annual Procurement Plan, pagproseso ng Purchase Request, at mga hakbang sa bidding procedures. May kasamang hands-on exercises upang magamit ng mga kalahok ang sistema sa aktuwal na sitwasyon.
Naging resource speaker sa aktibidad si Rogelio D. Labrador, Jr. mula sa DA – Interim Procurement Management Service. Ibinahagi niya ang mahahalagang proseso at mga update kaugnay ng paggamit ng Modernized PhilGEPS, pati ang mga praktikal na gabay sa pag-post at pamamahala ng procurement transactions sa sistema.

Sa ikalawang bahagi ng programa, nagkaroon ng talakayan sa bidding procedures kabilang ang paglikha ng bid notice, online submission, bid opening, record of evaluation, post-qualification, at pagproseso ng kontrata at purchase order.

Nagkaroon din ng open forum kung saan nakapagtanong ang mga kalahok ukol sa kanilang mga karanasan at mga isyung kinakaharap sa procurement.
#BagongPilipinas
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong




