Isinagawa noong Setyembre 4 hanggang 5, 2025 ang isang Occupational Safety and Health Training Workshop na may temang “Safe Practices for a Safer Workplace: Building a Culture of Safety” sa Redd Manor, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at kaalaman ng mga kawani ng Department of Agriculture Regional Field Office 3 (DA-RFO 3) tungkol sa kaligtasan sa lugar ng trabaho.

Pinangunahan ng Integrated Laboratories Division ang dalawang araw na pagsasanay, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang opisina at dibisyon ng ahensiya.

Tinalakay sa workshop ang mahahalagang paksa na may kaugnayan sa occupational safety and health na mahalaga sa pagbuo ng isang ligtas at produktibong kapaligiran sa trabaho.

Isa sa mga pangunahing tampok ng aktibidad ay ang paglikha ng isang positibo at ligtas na learning climate kung saan ang mga kalahok ay aktibong nakibahagi sa mga diskusyon at aktibidad.

Sa mga paksang tinalakay ay hinihikayat ang bawat isa na magkaroon ng malasakit at responsibilidad sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kanilang mga lugar ng trabaho.

Tinalakay ni Albert Valencia, ang naging panauhing tagapagsalita, ang patungkol sa mga paksang Theories of Accident Causation, Hazard Recognition and Control Measures, Types of Hazards, Basic 5S (Sort, Set in order, Shine, Standardize, Sustain), Introduction to HIRAC, Risk Analysis and Evaluation, at Control of Risk.

Bilang bahagi ng komprehensibong pagsasanay, isinama rin ang isang orientation ukol sa Gender and Development (GAD) na nagpalalimin ng pang-unawa ng mga empleyado sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagiging sensitibo sa mga isyung may kinalaman sa GAD sa loob ng organisasyon.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong

#BagongPilipinas