Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng pagsasanay tungkol sa Veterinary Drug Residue Detection nitong ika-19 ng Oktubre sa DA Conference Room, City of San Fernando, Pampanga.

Kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Food Safety Awareness Week sa Oktubre 24-28, 2022, pinangunahan ang programa ng Feed Chemical Analysis Laboratory sa ilalim ng Integrated Laboratory Division na inaasahang matatapos ngayong araw, ika-20 ng Oktubre.

Layunin ng pagsasanay na ito na palakasin ang sistema ng regulasyon para sa kaligtasan ng pagkain sa rehiyon. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang testing upang makontrol ang pagkakaroon ng mga mapanganib na residues sa ating food chain.Sa unang araw bilang tagapagsanay, tinalakay ni Bureau of Animal Industry Food Safety Focal Person Hernando Tipa ang Legal Basis of Veterinary Drug Residue Detection, PNS for Veterinary Drug Residue, Introduction of Validation Using Elisa Reader at Basic Principles of ELISA Analysis.Dinaluhan ito nina Regional Technical Director for Research, Regulatory and Integrated Laboratory Division Dr. Arthur Dayrit at Regional Food Safety Focal Person Abigail Beltran.Ang mga naging kalahok ng pagsasanay ay mga Veterinarian at staff mula sa Registration, Licensing and Quality Control Section ng Regulatory Division, Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory at Chemists mula sa Feed Chemical Analysis Laboratory ng Integrated Laboratory Division.

Para sa huling araw ng pagsasanay, tinalakay ang tungkol sa Sample Preparation, Analysis Proper, Result Interpretation at Discussion.

#DACentralLuzonKatuwangSaPagAhon