Isinagawa ang pagtatapos ng selebrasyon ng Filipino Food Month (FFM) ng Kagawaran ng Pagsasaka Gitnang Luzon sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division katuwang ang National Commission for Culture and the Arts, Department of Tourism, Philippine Culinary Heritage Movement nitong ika-23 ng Abril sa Marquee Ayala Malls, Angeles City, Pampanga.

Ang tema sa selebrasyon ng FFM ngayong 2024 ay “Kalutong Filipino, Lakas ng Kabataang Makabago”. Ito ay upang mabigyan ng kamalayan ang mga kabataan tungkol sa mga lokal na pagkain at maipakita ang kanilang magiging malaking kontribusyon at responsibilidad sa pagpepreserba ng Filipino culinary and heritage.

Ang selebrasyon ay dinaluhan nila Regional Technical Director for Operations and Extension & AMAD Arthur D. Dayrit, Ph.D.; OIC-Chief, Agribusiness and Marketing Assistance Division Maricel Dullas; Marquee Mall General Manager Peachy Atendido; at Apag Marangle Owner, Chef Manuela Cherry Tan.

Ang FFM ay taunang ginaganap tuwing buwan ng Abril ayon sa Proclamation 469 series of 2018 na unang ring pinagdiwang sa kaparehong taon.

Samantala, sa programa ay nagtayo ng KADIWA Pop-up Stores na kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na makapagbenta ng kanilang mga lokal na produkto sa tamang halaga. Kasabay nito ay nagkaroon din ng mga contests tulad ng Still Life Painting at Most Innovative Food Product.

Photo Credits: @Ayala Malls Marquee Mall

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagAhon

#FFM2024

#PreserveFilipinoFood