Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “Ceremonial Palay Harvesting” gamit ang Rice Combine Harvester (RCH) sa Brgy. Mandili, Candaba, Pampanga nitong ika-3 ng Pebrero.
Ang RCH ay angkop na gamitin sa malalaking sukat ng sakahan at nangangailangan lamang ng dalawa hanggang tatlong tao na magmamaneho ng makina.
Isa sa benepisyo ng pagamit ng RCH ay napapadali at napapabilis nito ang proseso ng pag-aani ng palay mula sa paggagapas hanggang sa pagsasako.
Kasama ng Pangulo ang Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka Franciso Tiu Laurel Jr., Undersecretary for Operations Roger Navarro, Assistant Secretary at Spokesperson ng Kagawaran Arnel De Mesa, at Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon OIC-Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr.
Dumalo din si Pampanga 4th District Representative Anna York Bondoc at Candaba Mayor Rene Maglanque.