Matagumpay na naisagawa ang inagurasyon ng isang P61.7 milyong Rice Processing System (RPS) noong ika-19 ng Septyembre 2025 sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, isa sa mga nangungunang probinsya sa produksyon ng palay sa bansa.
Ang pasilidad, na tinawag na RPS 2, ay may kakayahang maggiling ng hanggang 3 tonelada ng palay kada oras gamit ang makabagong makinarya gaya ng pre-cleaner, de-stoner, huller, polisher, grader, color sorter, at automatic packing machine. Mayroon din itong dalawang recirculating dryer na tig-12 tonelada ang kapasidad kada batch, na makatutulong sa pagpapatuyo ng palay kahit masama ang panahon.
Nagbigay naman ng pahayag si Department of Agriculture Secretary na nagsabing malaking tulong ang proyekto para mapalakas ang lokal na produksyon ng bigas at mapataas ang kita ng mga magsasaka.
“Ang pasilidad na ito ay patunay ng pangako ng administrasyong Marcos sa modernisasyon ng postharvest systems at pagpapanatili ng Pampanga bilang isa sa mga pangunahing rice-producing provinces ng bansa,” ani Laurel.
Ang pasilidad na ito ay pamamahalaan ng ng mga farmers’ cooperatives and associations (FCAs) ang RPS 2, na kabilang sa limang pasilidad ng ganitong uri sa Pampanga. Sa kabuuan, makikinabang dito ang mahigit 36,000 magsasaka na nagtatanim sa halos 60,000 ektarya ng sakahan.
Sa buong bansa, umabot na sa 151 rice processing facilities ang natapos sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), kung saan 145 dito ay naisakatuparan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Layunin ng Rice Mechanization Component ng RCEF na itaas ang produktibidad, kakayahang kumita, at pandaigdigang kompetitibidad ng mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng mas pinatibay na akses at paggamit ng angkop na teknolohiya para sa produksyon at postharvest mechanization.
Higit pa rito, inaasahan din nitong pasiglahin ang lokal na industriya ng paggawa ng makinaryang pansakahan, lumikha ng dagdag na trabaho, itaguyod ang mga locally fabricated technologies, magpataas ng ani at cropping intensity, tiyakin ang tamang oras ng operasyon sa bukid, magpababa ng gastusin sa paggawa, at makalikha ng dagdag na kita para sa mga magsasaka.
#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong












