Isinagawa ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ang FY 2026 Luzon A Participatory Performance Review and Planning Workshop nitong ika-11 hanggang ika-13 ng Agosto sa Angeles City, Pampanga, bilang bahagi ng pagsusuri sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad para sa kasalukuyang taon at paghahanda ng mga estratehiya para sa FY 2027.

Lumahok sa aktibidad ang mga chairperson at coordinator ng Regional Agriculture and Fishery Councils (RAFCs), RAFC Executive Officers (REOs), Provincial Agriculture and Fishery Councils (PAFCs), Highly Urbanized City Agriculture and Fishery Councils (HUCAFCs), at Indigenous Cultural Communities Agriculture and Fishery Councils (ICCAFCs), gayundin ang mga Provincial/City Agriculturists, Regional Budget Officers and Accountants, PCAF Region-based Coordinators, at mga opisyal at kawani ng PCAF.

Kabilang sa Luzon A cluster ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Sa unang araw ng workshop, tinalakay ang mga stakeholder impact stories at accomplishments ng mga Agriculture and Fishery Councils (AFCs), gayundin ang resulta ng Participatory Monitoring and Tracking (PMT) para sa FY 2025 at unang semestre ng FY 2026. Isinagawa rin ang mga talakayan hinggil sa status ng fund liquidation ng bawat rehiyon.

Sinundan ito ng mga talakayan tungkol sa mainstreaming ng mga tool ng Philippine Rural Development Project (PRDP), PCAF FY 2027 plan and budget, at mga mekanismo para sa workshop proper.

Tampok sa ikalawang araw ang breakout sessions na nakatuon sa temang “Bridging the Local Gap: A Strategic Workshop on Strengthening Municipal & Provincial AFC Involvement in Regional Agri-Fishery Consultative Bodies.”

Sa pamamagitan ng mga pangkatang talakayan, sinuri ng mga kalahok ang mga usaping may kaugnayan sa partisipasyon ng mga local AFC at mga hakbang upang mapalakas ang ugnayan ng mga stakeholder sa regional agri-fishery consultative bodies.

Inilahad sa plenary session ang mga output ng mga pangkat mula sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang Central Luzon, bago isinagawa ang feedback, synthesis, at talakayan sa mga susunod na hakbang.

Binigyang-diin ni PCAF Executive Director Bernadette De Los Santos ang tungkulin ng mga RAFC at PAFC chairperson at coordinator, RAFC Executive Officers, finance officers, at provincial agriculturists sa pagbuo ng mga ugnayan na makatutulong upang mas maiparating ang mga pananaw ng mga nasa grassroots level sa regional policy at budget discussions.

Ayon kay De Los Santos, kabilang sa layunin ng workshop ang pagpapahusay ng komunikasyon at capacity building ng mga stakeholder, pagtukoy sa operational bottlenecks, pagbuo ng mitigation plans, at pag-aayon ng mga priority strategies para sa FY 2027 plan and budget proposal.

 

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong