Sa pakikiisa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) ukol sa selebrasyon ng National Women’s Month ay inilunsad ang isang photo booth bilang bahagi ng pagdiriwang, noong ika-4 ng Marso, sa DMGC, Barangay Maimpis, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Sa pangunguna ng Gender And Development Focal Point System (GADFPS) ay nagkaroon ng pagkakataon ang bawat babaeng empleyado ng DA RFO 3 na magpakuha ng larawan sa nasabing photo booth.

Kasabay nito ang pagtanggap nila ng “token of appreciation” tulad ng vegetable seeds, garden soil, native na baboy, manok, at kuneho.

Layunin ng pagdiriwang ngayong taon na magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga kababaihan at maipakita ang kanilang kakayahan at patunayan na kaya rin nilang makipagsabayan sa mga kalalakihan.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon