Mahigit Php 58 milyon halaga ng interbensyon ang naipamahagi sa mga magsasaka ng Tarlac sa programang “Handog ng Pangulo: Serbisyong para sa Lahat” noong Setyembre 13, 2025, bilang bahagi ng ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mula sa Department of Agriculture Regional Field Office III, 13,786 magsasaka ang makatatanggap ng foliar fertilizer na nagkakahalaga ng Php 22,059,000 at 6,240 magsasaka naman ang nakinabang sa fertilizer discount voucher na umabot sa Php 31,828,687.

Ipinamahagi rin ang hand tractor na nagkakahalaga ng Php 720,000 para sa apat na Farmers Cooperatives and Associations (FCAs).

Sa ilalim ng Corn Program, isang FCA ang nakatanggap ng multi-crop combine harvester na may halagang Php 2.5 milyon, habang tatlong FCAs naman ang nabiyayaan ng shallow tube well na nagkakahalaga ng Php 467,880.

Bukod dito, 121 magsasaka ang nakatanggap ng hybrid yellow corn seeds mula sa Special Area for Agricultural Development (SAAD) na nagkakahalaga ng Php 1,206,000.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang sektor ng agrikultura at suportahan ang mga magsasaka sa kanilang produksyon.

Kasabay nito, naghatid din ng kani-kanilang serbisyo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang masiguro ang kabuuang benepisyo ng mga mamamayan.

Ipinakita rin nito ang pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong at serbisyong sapat para sa lahat.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagsulong