Sa pangunguna ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas Ferdinand R. Marcos, Jr. namahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka ng halagang PhP147.6M halaga ng tulong sa ilalim ng proyektong Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFF) nitong ika-12 ng Hulyo na ginanap sa Baler Convention Center, Brgy. Reserva, Baler, Aurora para sa mga magsasaka at mangingisda ng lalawigan na naapektuhan ng nagdaang krisis dulot El Niño.
Ipinamahagi dito ang iba’t ibang mga makinarya, binhi at pataba sa pagtatanim at tulong pinansyal para sa mga apektadong mga magsasaka, mangingisda, at pamilyang binubuo ng humigi’t kumulang na 4,000 indibidwal.
Dinaluhan din ang programa ng Kalihim ng Agrikultura Francisco Tiu Laurel, Jr.; Kalihim ng Department of Social Welfare and Development Rex Gatchalian; Senator Juan Edgardo Angara; Regional Executive Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr.; at iba pang mga kawani ng pamahalaan.
Ang tulong na naipaabot ng Pangulo sa mga magsasaka at mangingisda ng Aurora ay binubuo ng:
• 1 unit Four Wheel Drive Tractor worth Php 1,497,000.00
• 2 units Multi-Tiller/Cultivator worth Php 268,800.00 / Unit
• 1 unit Animal Quarantine Facility worth Php 10,000,000.00
• Fuel Assistance
• DA-PCIC assistance worth Php 141,711.87
• DA-ACPC AGRInegosyo Loan Program worth Php 25,000,000
• 1 unit Four Wheel Drive Tractor worth Php 2,200,000.00
• 1 unit Pump and Engine Set worth Php 77,950.00 / Unit
• 2 units Pump and Engine Set worth Php 77,980.00 / Unit
• 1 unit Hammer Mill worth Php 135,000/ Unit
• 1 unit Cassava Granulator worth Php 295,888.00 _/ Unit
• Fertilizer Discount Vouchers
• Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) worth Php 5,000 each
• Organic Dairy Production
• (Gill Net, Bottom Set Longline, Tuna Handline, Shallow Payao, Frp Boat)
worth Php 1,272,550.00
• 5 Units of Fish Vending Equipment worth Php 15,000.00 each
“Kaya po kami nagpunta rito ngayon ay upang magbigay ng kaunting tulong sa ating mga magsasaka, mangingisda, at ang kanilang mga pamilya na labis na naapektuhan ng mga nagdaang [tagtuyot],” mensahe ni Pangulong Marcos sa mga apektadong mga magsasaka at mangingisda.
Maliban dito, namahagi din ng dagdag tulong ang Pangulo tulad ng PhP100M tulong sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na nakatanggap ng PhP10,000 piso bawat isa; PhP10M tulong para sa lalawigan; PhP1.75M scholarship program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); at PhP476,000 training support fund.
Sa huli, hinikatay din ng Pangulo ang bawat isa na patuloy na magsama-sama, magtulungan, at magkaisa sa pagtaguyod ng sektor ng agrikultura at pangisdaan upang mapaunlad ang ating komunidad at ang ating bayan.