Pinangunahan ng DA-RFO III Blessing ceremony at pagpapasinaya ng Multi-Purpose Research for Development (R4D) Center
Magalang, Pampanga – Pinangunahan ni Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO III) OIC – Regional Technical Director for Research, Regulatory and Integrated Laboratories – Dr. Arthur Dayrit, Hepe ng Research Division – Dr. Irene Adion at DA Bureau of Agriculture Research (DA-BAR)
Director – Dr. Vivencio Mamaril ang blessing ceremony at pagpapasinaya ng Multi-Purpose Research for Development (R4D) Center sa CLIARC for Upland Development Zone Magalang, Pampanga na ginanap nitong ika-17 ng Setyembre.
Ang pagpapatayo ng Multi-Purpose R4D Center na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Institutional Development Grant Program ng DA-BAR na magsisilbing laboratoryo sa pagsasaliksik tungkol sa tissue culture propagation ng upland crops.
Ayon sa Station Manager ng ROS Magalang na si Dr. Emily Soriano, gagamitin ang pasilidad na ito para sa pagpaparami ng iba’t ibang upland crops gaya ng ube, gabi at iba pa.
Makakatulong din ito sa pagbuo ng mga protokol sa upland crop production sa pamamagitan ng vine cutting technique na magsisilbing gabay ng mga magsasaka at sa paggawa ng upland crops seed, cuttings o tubers.
Sa ngalan ng buong DA RFO III, pinasalamatan ni Dr. Dayrit ang DA-BAR sa tulong at suporta na ipinagkakaloob nito sa ahensya.
Wika naman ni Dr. Adion, umaasa siya na makakapagbigay ang bagong pasilidad ng maraming serbisyo
sa mga upland o rootcrop farmer.