Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang Workshop on the Regional Development Investment Program (RDIP) 2023-2028 Formulation sa ilalim ng Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED) kahapon, ika-4 Hulyo sa Department of Agriculture Regional Field Office III (DA-RFO III) Training Room 1.
Naglalayon ang nasabing aktibidad na ma-validate at ma-update ang mga nakaraang proyekto at programa na nakilala sa RDIP at Central Luzon Investment Program (CLIP) para sa susunod na taon. Kaugnay nito, natalakay din ang pagpapanukala ng RDIP/CLIP 2023-2028.
Nagbigay naman ng panimulang mensahe ang Regional Technical Director for Operations & AMAD na si Dr. Eduardo Lapuz, Jr.
Para naman sa highlight ng aktibidad, ipinaliwanag ni Planning Officer III Lordelyn Dela Cruz ang rationale ng aktibidad at mga nakaarang programa at proyekto sa ilalim ng updated RDIP/CLIP 2024. Kasama rin dito ang presentation ng guidelines para sa RDIP/CLIP 2023-2028 Formulation at presentasyon ng Draft RDIP 2023-2028 base sa Multi-Year Plan 2023-2038.
Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng mas mainam na basehan para sa paghahanda ng Annual Plan and Budget Proposal o Annual Investment Plan para sa Kagawaran.