Matagumpay na idinaos ng Integrated Laboratories Division (ILD) ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ang Project Review & Assessment and Workshop on ISO 9001:2015 nitong ika-27 ng Hunyo, sa DA Conference Room, City of San Fernando, Pampanga.
Ito ay isinagawa upang ilahad ng mga kinatawan ng nasabing dibisyon ang kanilang mga physical at financial accomplishment at naglalayong maayos at maabot pa ang kanilang mga layunin.
Ang aktibidad ay dinaluhan din ni Regional Technical Director for Research, Regulations, and Integrated Laboratories Division, Dr. Arthur Dayrit. Sa kanyang mensahe, binigyang diin niya ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng ILD sa pagsuporta sa ahensiya upang maabot ang mga layunin nito.
Unang nagpresenta ng ulat ukol sa ILD Physical Accomplishment ang Agriculturist II na si Engr. Mary Ann Capillo. Sinundan naman ito ni Laboratory Aide II Nina Magat, na naglahad ng ILD Financial Accomplishment.
Sa kabilang banda, iprinesenta naman ng mga Chemical Technologist na sina Princess Divine Facun ang Equipment Inventory Updates at Jennette Joaquin naman para sa Supplies Inventory Updates.
Nagkaroon din ng paglalahad ng mga update kaugnay ng Gender and Development (GAD). Dito ay ipinakita ang dedikasyon ng ahensya sa pagsulong ng mga adhikain ng GAD at pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng kasarian.
Maliban dito, naging bahagi rin ng aktibidad ang Harmonization of ILD Forms, Procedures, and Work Instructions na pinangunahan ng Chemist II na si Justine Estabillo.
Isa sa layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng malinaw at klarong updates sa mga accomplishment ng dibisyon at upang mas lalo pang maging handa para sa ISO certification ng tanggapan.
Naging posible ang tagumpay ng aktibidad sa pangunguna ng Feed Chemical Analysis Laboratory (FCAL).