Isinagawa noong ika-15 ng Oktubre, ang pulong ng Rabies Inter Agency Task Force sa Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon Conference Hall, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Dito ay tinalakay ang mga pangunahing hakbangin at programa sa pagpigil at kontrol ng rabies sa bansa.

Bilang panimula ng programa, nagbigay ng paunang pagbati si Dr. Arthur Dayrit, Regional Technical Director for Operations, na sinundan ng Inspirational Message ni Dr. Eduardo Lapuz, Jr., Regional Executive Director.

Iniulat ni Dr. Joseph Michael Manlutac, Rabies Coordinator ng Department of Health, ang mga update tungkol sa Human Rabies Program, habang si Dr. Milagros Mananggit, ang Rabies Coordinator ng DA RFO 3, ang nagbigay ng mga ulat tungkol sa Animal Rabies Program.

Tinalakay din ang mga aktibidad ng Rabies Prevention and Control Program mula sa College of Veterinary Medicine ng Pampanga State Agricultural University sa pamamagitan ni Dr. Remedios San Jose.

Si Dr. Arby Banaag, Veterinarian III mula sa City Veterinary Office (CVO) ng San Jose Del Monte City, ay nagbigay ng mga makabago at epektibong estratehiya sa pagpigil ng rabies.

Ipinakita naman ni Dr. Ryan Paul Manlapas, City Veterinarian ng City of San Fernando, ang mga aktibidad sa surveillance bilang bahagi ng programa.

Tinalakay ni Dr. Joanna Marimla, kinatawan mula sa CVO ng Angeles City, ang animal shelter/animal pound operation para sa programa ng rabies control.

Binigyang-diin ni Dr. Emmanuel Francisco ng Bulacan Provincial Veterinary Office, ang suporta ng mga lokal na pinuno sa mga programa sa pagkontrol ng rabies, habang nagbigay ng ulat si Dr. Clarissa Castro mula sa CVO ng Meycauayan City, ukol sa kanilang sariling Rabies Control Program.

Inaasahan na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng mga ahensiya at pamahalaan, maaabot ang Rabies-Free Philippines sa mga susunod na taon.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong