Magsisilbi bilang Farmer Regional Executive Director si Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Chairperson Onesimo Romano para sa buwan ng Mayo.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng “Farmers and Fisherfolk Month” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33 na naglalayong kilalanin at magbigay pagpupugay sa mahalagang papel ng mga agricultural laborers para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bansa.

Pormal na ginanap ang Recognition Ceremony ngayong ika-6 ng Mayo sa DA-RFO III Grounds, City of San Fernando, Pampanga.

Pinanguhan ni Reginal Technical Director For Operations and Extensions Dr. Arthur Dayrit ang seremonya.

Aniya mahalaga ang papel na ginagampanan ng RAFC sa pagmomonitor sa tamang pag-implementa ng Kagawaran sa mga proyekto at programa. Kanya rin pinasalamatan ang RAFC dahil sa “voluntary services” nilang binibigay sa Kagawaran.

Buong puso naman tinanggap ni Farmer-Director Romano ang gagampaning tungkulin. Ayon kay Romano, tutulong siya upang siguraduhin na wasto at naaayon ang mga programa ng Kagawaran para sa mga magsasaka ng Central Luzon.

#BagongPilipinas

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon