Isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO3) ang Regional Agricultural and Fisheries Council Central Luzon election noong ika-1 ng Agosto, sa Benigno Hall, Capitol Compound, City of San Fernando, Pampanga.
Pinangunahan ang programang ito nina Regional Executive Director, Crispulo G. Bautista Jr., Regional Technical Director, Dr. Arthur D. Dayrit, at Chief of Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED), Noli C. Sambo, katuwang ang Regional Agricultural and Fisheries Council (RAFC) ng DA RFO3, Department of Interior and Local Government (DILG), at Commission on Elections (COMELEC).
Sa panimula ng programa ay nagbigay ng paunang mensahe si Regional Executive Director, Crispulo G. Bautista Jr. at ibinahagi niya ang ilang mga pagsubok na dinanas ng mga magsasaka.
“Maraming mga balakid na dumating sa atin unang-una na diyan ang pandemic, dito nakita ng buong bansa at ng buong mundo ang kahalagahan ng agrikultura. Pangalawa ay ang Ukraine VS. Russia war na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng fertilizer, hangad ko na itong mga pagsubok na ito ay gamitin nating inspirasyon para mapataas pa ang kalidad ng ating serbisyo”, pahayag nito.
Ibinahagi rin niya na ang Central Luzon ang may pinakamalaking ambag pagdating sa food security ng bansa.
“Sa buong bansa po ay Central Luzon ang may pinakamalaking porsiyento ng ambag pagdating sa food security at ‘yan po ay sa pangunguna naman ng Nueva Ecija bilang sila po ang may pinakamalaking porsiyento sa buong Central Luzon. Kaya umaasa po ako na patuloy po tayong magtutulungan, tayo pong lahat ng probinsiya sa Gitnang Luzon”, dagdag ni Bautista.
Samantala, pinangunahan naman ng Chief of Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED), Noli C. Sambo ang declaration of RAFC Sectoral Committee Chairpersons.
Itinanghal bilang RAFC Sectoral Committee Chairperson sina Nestor Garcia para sa Rice Sector, Jose Paguinto para sa Corn and Feed Crops, Rogelio Maistequi para sa Poultry and Livestock, Avelino Capuli para sa Fisheries and Aquaculture, Rafael Manaloto para sa Climate Change, Environment and Natural Resources, Rocky Gutierrez para sa Agriculture and Fisheries Mechanization, Ildefonso Canquin para sa Water Management, Luis Bausa para sa Urban Agriculture, Jocelyn Reyes para sa Organic Agriculture, Ermelita Racuya para sa IPs, Teresita Fernandez para sa Food Value Chain and Logistics, Eugenia Sindac para sa Women Sector, Joe Badar para sa Coffee and Cacao, Arman Aronce para sa Sugarcane Sector, Nicasio Barioga para sa Fruits Sector, Lilibeth Sanchez para sa Vegetable Sector, Bernadette Principe para sa Gender Equality and Social Inclusion, Gelacio Angeles para sa International Trades and Logistics, Carmelita Senense para sa Coconut Sector, at Arthuro Rivera para sa Youth in Agriculture and Fisheries.
Sa kabilang banda, pinangunahan ni Regional Technical Director, Dr. Arthur D. Dayrit ang presentation of candidates for RAFC Chairperson na kinabibilangan nina Engr. Francisco Hernandez, Gelacio Angeles, at Onesimo Romano.
Matapos ang pagbibigay ng mensahe ng tatlong kandidato at pagboto ng 30 Sectoral Committee Chairperson ay idineklara bilang bagong RAFC Chairperson si Onesimo Romano.
Sa naganap na botohan ay nakakuha ng 14 na bilang ng boto si Onesimo Romano, 11 na boto naman para kay Engr. Francisco Hernandez, at 4 na boto para kay Gelacio Angeles na naging dahilan upang mahalal si Romano bilang bagong RAFC Chairperson.
Samantala, 1 boto naman ang pinawalang-bisa dahil sa error sa balota.
Pasasalamat at kongkretong pangako naman ang hatid ni Romano sa buong-pusong pagtitiwala sa kaniya ng mga RAFC Sectoral Chairperson Committee na nagsilbing botante para sa nasabing eleksiyon.
“Sisikapin ko pong matugunan ang pagkakahalal sa akin bilang Chairperson ng RAFC at sa lahat po ng nandito ngayon, sana po ay maibigay ninyo sa akin ang inyong kooperasyon para makapagtrabaho tayo nang husto dahil alam natin na maraming magsasaka ang naghihintay at umaasa na matulungan natin sila at ‘yan po ang pagsisikapan natin”, saad ni Romano.
Inihalal naman si Engr. Francisco Hernandez bilang bagong Vice-Chairperson, Lordelyn Dela Cruz bilang Secretary, Julita May Tala bilang Treasurer, at Orlando Corpuz bilang Auditor.
Dumalo rin sa programa ang iba’t ibang mga Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) mula sa mga probinsiya at siyudad sa buong Gitnang Luzon kabilang sina PAFC Aurora Chairperson, Dennis Zuniga, PAFC Bataan Chairperson, Cecilio Lungcay, PAFC Bulacan Chairperson, Ruperto Hernandez, PAFC Nueva Ecija Chairperson, Orlando Corpuz, PAFC Pampanga Chairperson, Jaime Pangan, PAFC Tarlac Chairperson, Edilberto Grande, PAFC Zambales Chairperson, Onesimo Romano, HUCAFC Angeles City, Pampanga Chairperson, Alberto Sanchez, HUCAFC Olongapo City Chairperson, Julita May Tala, at RAFC Secretariat, Lordelyn Dela Cruz.